Ako, si Cherry, kasama si Kuya JR. Na-miss ko tuloy ang pinsan kong si Charmaine (naka blue) |
Bakit ko ba naisipang isulat ito? Eh kasi ibang-iba na ang mga kabataan ngayon kesa noon. Napapansin ko na ang lawak ng imagination ng mga bata noon at napaka.creative.. Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya at modernong pamumuhay ay unti-unting binago nito ang mga nakasanayan. Nakakalungkot isipin pero unti-unti na tayong lumalayo sa kahapon.
Hindi man ako talagang Batang 90s (ipinanganak ako noong 1994) pero maituturing paring isa ako dahil naabutan ko pa ang mga bagay na kinahiligan ng mga kabataan noon. Noong panahon na wala pa masyadong gadgets at internet, naisip kong those were the best days. Miss na miss ko na talaga sila. Kung pwede lang sanang bumalik sa pagkabata. Haha. Pero yung totoo, mas nakakatuwa ang childhood memories ko.
NOTE: Credits to all the owners of the respective pictures shown. Salamat sa pag-share.
Ito ang mga listahang hindi ko malilimutan nung bata pa ako:
- Palaging nagsusulat si mama ng pagkataas-taas na liham kay Papa sa ibang bansa with pictures pa namin. Maghihintay pa ng ilang buwan saka namin matanggap sulat niya.
- Magpapapicture kay manong kodaker pagkatapos magsimba.
- Kailangan munang ipadevelop ang mga litrato bago makita. Walang uso ang selfie kasi. Magsasayang ka lang ng film.
- Usong-uso ang Bestida/damit at jumper noon :-D
- TV SHOWS
- Maiinis ni Lavinia sa Princess Sarah
- Teletubbies
- Judy Abot (na intrigang intriga ako kung sino si Daddy Long Legs)
- Cedie (kabisado ko yung kantang pinapatugtog niya sa flute)
- Lupin at voltes v
- Hapon: Crayon shin chan sa rpn 9
- Mga paborito kong palabas tuwing weekdays: Sineskwela, Mathtinik
- Powerpuff girls at dexter's lab sa cartoon network
- Mas naiinis ako kay Jerry kaysa ni Tom sa Tom and Jerry
- Scooby doo
- Sailor moon (nang dahil dito mahilig akong magdrawing)
- Sa Sabado: Magandang gabi bayan
- Inaabangan ang Wansapanataym tuwing Linggo
- Comedy: Pwedeng-pwede, Labs ko si babes, Kaya ni mister Kaya ni misis, Home along da riles at iba pa
- Chabilita, Rosalinda, Marimar
- LARONG 90's
- Maglaro ng bahay bahayan gamit ang sako bilang bubong (kasama na ang pagluluto ng dahon sa lata)
- Gumagawa kami ng saranggola tuwing bakasyon (plastic, sinulid at isang stick ng walis tingting)
- Mag-drama o role play (magaling ako dito, ako yung palaging inaapi.)
- Nung mas masaya ka dahil umuulan ng malakas at maliligo kayo ng mga kasama mo.
- Land, Earth and Heaven sa hagdanan (grade one favorite ko)
- Hand clapping games like 'Bumbero, bumbero may sunog' at Bahay Kubo
- Bata-bata o piko, Habulan at taguan
- Nabaliw sa video karera machine (hulugan ng piso) dahil sa Super mario, street fighter at mortal kombat.
- Akala mo cellphone, yun pala watergame :-)
- Brickgame na di umano may 100+ games (pare-pareho lang naman)
- Bubutasin kaagad ang lata at lagyan ng mataas na sinulid..eh di telepono na!
- Snake lang ang nilalaro sa 3210 na cellphone (unang cp ni papa)
- Mga tinda sa labas ng eskwelahan (seasonal o uso-uso po ang mga ito..hehe):
- Paperdolls (Mapa-anime figures o yung disney characters, babae o lalaki..meron ako nun)
- Holen :-D
- Takyan (sa bisaya)
- Chinese garter (marunong naman gusto ko yung 10-20)
- Tagisan sa Beyblade (modified version ng trumpo) o nung Tamiya/Crush gear
- Yoyo
- Jack stone
- Plastic Balloon.. haha malapit akong magka-beke kakaihip dito!
- Kisses (mabango na akala ko nanganganak talaga at nilalagyan pa ng pulbo para dumami)
- FOODS since the 90's
- Pisong junk foods na may laruan sa loob (MOYMOY)
- BOBOT... dalawa per piso
- Bubble gum na may tattoo pang kasama
- Bumili ka ng ice candy ni mam para magka.POINTS ka..hmmm
- May kakaning tinatawag na 'inday-inday' na may pulang asukal pa
- OLD SCHOOL STUFFS
- Usong-uso ang butterfly hair clips noon. Kaya panay ayos si ate sa buhok ko bago pumasok
- Sequence ng flag ceremony: Bayang magiliw (haha..alam ko po ang title), Panatang makabayan, Ako ay pilipino (w/ actions pa), then exercise na (sha la la, barbie girl, asereje, cheeky song)..nakakanostalgic pag naririnig ko sila :'(
- Hindi ka makakauwi hanggat hindi mo nilalampaso at nililinis ang classroom pati CR.
- Dahil walang internet noon, kailangan mong magpaturo o di kaya'y humanap ng mga larawan sa mga lumang libro o bumili ng 'chart' sa tindahan para sa assignment mo
- Pampalipas oras namin sa classroom:
- SOS
- FLAMES
- paunahan sa BINGO o PANTS,
- Paper fortune teller (feeling manghuhula lang)
- Mga kinikilalang personalidad sa libro (probably wala na ang iba sa mga textbooks ngayon):
- Luisito Espinosa (Boxing),
- Lydia de Vega (Track and Field),
- Paeng Nepomuceno (Bowling)
- Eric Buhain (Swimming)
- Cecile Licad (Pianist)
- Lea Salonga (Singer)
- Ernie Baron (Reporter)
- Nahuhumaling sa mga story books (alamat, pabula, komiks)
- Pag nagkapera sina mama, hayan libre na sa Jollibee na may laruan pa
- Kabisadong commercial jingle ng coke (yung 'ito ang beat sabay-sabay') at ng maggi sinigang (may isang anghel sa aking labi...)
- Uso ang renta ng VHS noon kaya wala masyadong pirated
vhs collection ng nga disney movies.. credits to the owner :-) - I-rewind mo ang tape kung gusto mong i-play ulit
- FYI: Lata pa ang sisidlan ng ice cream sa selecta. Mapapakinabangan na pag wala ng laman.
- Kapag may sakit: Aspilet kaagad. Ayoko sa tempra...mapait kasi
- Pag pinapatulog kami sa hapon.. Nakikinig ng drama si papa sa DYHP (Handumanan sa usa ka awit)
isa kang ganap na batang 90s kung mahuhulaan mo lahat ng to... |
ito yung inday inday na sinasabi ko:-) |
ka-Ernie Baron.. Kung walang knowledge, walang power! |
Ok...ito na po yung mga Childhood memories ko. Ang rami ah!! Haay..puro na lang tayo alaala..sarap bumalik sa pagiging bata noh?? kung meron lang sanang time machine..gusto kong bumalik sa 90s. Well, wala na tayong magagawa sa makabagong mundo. Ang tangi na lang nating magagawa ay ipakilala sa nga kabataan ngayon ang saya na naidulot ng mga nilalaro natin noon. Ikaw, ano ang childhood memories mo?
2 comments:
Naghahanap ako ng photo about 90s kids kasi I want to celebrate my birthday a 90s way and then nakita ko tong post mo. Nakakatuwa talagang balikan yung mga ginagawa nating mga batang 90's. Nagmamadali kang umuwi para makapanuod ng ng cartoons sa hapon. Maglalaro ka sa maghapon at uuwi kang madungis ang mukha. Nakakagawa ng bahay gamit ang mga patapong kahoy, yero at sako. Ginagamit mong pera at tansan at balat ng sigarilyo. Nagtitinda-tindahan gamit ng mga pinitas mong dahon at bulaklak. Ang mga chichirya na may libreng laruan. Ilan lang ang mga to sa alaala ko nung bata ako.
https://crazycatladysdiaries.wordpress.com/2015/10/25/10-silly-things-i-believed-when-i-was-a-kid/
Beyblade noon 90's Nagyon Palabong na Beyblade sa early 2020's Gago mga kasabong
Post a Comment